600 BJMP inmates sa Metro Manila tinamaan ng pigsa

By Jan Escosio April 05, 2024 - 01:12 PM

Dalawang beses kada araw dapat maligo ang mga detenido para makaiwas sa mga sakit dulot ng mainit na panahon.                                          (INQUIRER PHOTO)

Pagsusumikapan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na maging maginhawa sa lahat ng kanilang mga detenido ang mga selda sa gitna ng matinding init ng panahon.

Kasabay ito ng ulat na 600 detenido ang nagkaroon ng pigsa dahil sa init.

Ayon kay  BJMP Director Ruel Rivera dadagdagan nila ang kanilang ventilation system sa kanilang mga pasilidad.

“And siyempre iyong paglalagay ng mga electric fans, iyong air shelf po na tinatayo. Iyong air shelf po, iyon po ‘yung nasa taas ng bubong kung makita ninyo umiikot po doon, kailangan po iyan. And iyon pagpapaluwag ng mga bintana kung mapapansin natin, kailangan ho talaga ng magandang air ventilation, so iyon ho ang ginagawa ng BJMP,” aniya.

Pinatitiyak na din ni Rivera sa kanyang regional directors na may sapat na suplay ng tubig para sa mga detenido upang magawa nilang makaligo ng dalawang beses sa isang araw.

Nabatid na noong nakaraang taon, 4,545 detenido ng BJMP ang nagka-pigsa mula Marso hanggang Mayo noong nakaraang taon.

 

TAGS: BJMP, pigsa, BJMP, pigsa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.