Panukalang batas laban sa”palit-ulo” modus ng mga ospital iginiit ni Hontiveros

By Jan Escosio April 05, 2024 - 09:09 AM

Gusto ni Sen. Risa Hontiveros na pabigatin ang parusa at multa sa mga ospital na na nagpapatupad ng “palit-ulo” modus sa mga pasyente. (FILE PHOTO)

Nakita muli ni Senator Risa Hontiveros ang pangangailangan na maipasa na ang panukalang-batas na layon pabigatin ang parusa sa “hospital detention.”

Kasunod ito nang napa-ulat na pagbabawal ng isang ospital sa Valenzuela City na makalabas ang mga kaanak ng isang namayapang pasyente dahil sa kabiguan na mabayaran ang hospital bills.

“Doble-dobleng pasakit ito sa mga pamilya ng mga pasyente. Nawalan na nga ng mahal sa buhay, lubog pa sa gastusin, tapos hindi pa papayagang makauwi mula sa ospital? Sobrang abuso naman ‘yang ‘palit-ulo scam’ na ‘yan!” diin ni Hontiveros.

Dagdag pa niya; “If true, these hospitals are brazenly committing crimes in broad daylight. Klaro sa batas na bawal ang hospital detention at pwedeng makulong at pagmultahin ang sinumang lumabag dito. The Department of Health must take immediate action on this and make sure incidents like these do not happen again.”

Una nang inihain ng senadora ang Senate Bill No. 140 na layon mapahaba ang parusang kulong sa mga opisyal at empleado ng ospital na haharang sa pagpapalabas ng pasyente.

Nais niya na makulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon ang mga lalabag at ang multa ay patataasin sa P300,000 mula sa P100,000.

Pagbawi naman sa license to operate ng ospital ang nais ni Hontiveros sa ikatlong paglabag sa batas.

TAGS: detention, ospital, detention, ospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.