WPS row pag-uusapan nina PBBM, Biden sa US visit

By Jan Escosio April 05, 2024 - 06:07 AM

(FILE PHOTO)

Ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS) ang isa sa mga tatalakayin sa bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at US President Joe Biden sa pagbisita muli ng una sa Estados Unidos sa susunod na linggo.

Ito ang tiniyak ni National Security Adviser Eduardo Año sa pagsasabing;  “Yes, the South China Sea issue will be among issues to be discussed.”

Bukod dito, pag-uusapan din sa muling pagpupulong ng dalawang lider ang mga joint programs ng mga ahensiya ng dalawang bansa na napagkasunduan nang magtungo sa Amerika si Marcos noong Mayo 2023.

Kabilang na ang sa kalakalan, pamumuhunan, kalusugan, kalikasan, enerhiya, seguridad at iba pa.

Una nang nakipagpulong si Año  kay US National Security Advisor Jake Sullivan at napag-usapan ang makasaysayang Philippines-Japan-US trilateral leaders’ summit sa Abril 11.

Tiniyak ni Sullivan sa pulong na tutupad ang US sa mga pangako sa Pilipinas sa ilalim ng Ph-US Mutual Defense Treaty.

 

TAGS: US visit, WPS, US visit, WPS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.