Eid’l Fitr sa Abril 10 idineklarang regular holiday ng Palasyo

By Jan Escosio April 04, 2024 - 07:55 PM

Ang Eid’l Fitr ang pagtatapos ng  Ramadhan para sa mga Muslim.                       (INQUIRER PHOTO)

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na regular holiday ang paggunita ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadhan sa Abril 10, araw ng Miyerkules.

Base ito sa Proclamation No. 514 na pinirmahan ngayon araw at ito ay base sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.

Nakasaad sa proklamasyon na ang hakbang ay upang bigyan pagkakataon ang sambayanan na makiisa sa mga Filipino Muslims na makiisa sa paggunita sa Eid’l Fitr.

Ginawa din ang proklamasyon upang maitanim sa kamalayan ng lahat ang kahalagahan sa kultura ng Feast of Ramadhan.

Ang Eid’l Fitr ang pagtatapos ng isang buwan na pag-aayuno ng mga Muslim.

 

TAGS: Eid al-Fitr, regular holiday, Eid al-Fitr, regular holiday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.