Hiniling ni Senator Lito Lapid sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) na alamin ang kondisyon at sitwasyon ng lahat ng mga Filipino sa Taiwan kasunod ng magnitude 7.5 earthquake kahapon.
Pinatitiyak ni Lapid na maayos ang kondisyon at ang kaligtasan ng mga Filipino, lalo na ang mga nagta-trabaho sa Taiwan.
“Nakaatang sa MECO ang pagtulong sa ating migrant workers para sa kanilang kapakanan, kaligtasan at promosyon ng economic and cultural relations sa Taiwan.” sabi ni Lapid.
Mga Filipino ang ikatlo sa may pinakamalaking bilang ng migrant workers sa Taiwan, una ang Indonesia at pumangalawa naman ang Vietnamese.
Sa datos mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) hanggang noong nakaraang Oktubre may 151,562 OFWs sa Taiwan.
MOST READ
LATEST STORIES