UPDATE!!! 9 patay, 821 sugatan sa Taiwan M7.5 quake

Ang pag-rescue sa isa sa mga napinsalang gusali sa Taiwan dahil sa magnitude 7.5 earthquake.                                                                      (AFP / INQUIRER PHOTO)

Siyam na ang napaulat na namatay, samantalang 821 na ang sugatan sa lindol sa Taiwan kaninang umaga.

Ang bilang ng mga nasawi at nasugatan ay base sa ibinahaging ulat ng Fire Bureau ng Taiwan.

Nagdulot ng matinding pinsala sa maraming gusali at landslide lalo na sa Hualien ang lindol na isinalarawan na pinakamalakas sa nakalipas na 25 taon.

Nakapagtala na rin ng 76 aftershocks matapos ang matinding pagyanig ng lupa bago mag-alas-8 ng umaga kanina.

Pinaghahanap pa ang higit 120 katao na pinaniniwalaang na-trap sa mga napinsalang istraktura.

Read more...