Kapwa akusado ni Quiboloy sa child abuse case naaresto, 2 pa sumuko
By Jan Escosio April 03, 2024 - 06:21 PM
Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Davao (NBI-11) ang isa sa mga kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo Quiboloy, sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Kinilala ang inaresto na sina Punong Barangay Cresente Canada, ng Barangay Tamayong sa Davao City. Samantala, dalawa pa sa mga kapwa akusado ni Quiboloy ang sumuko sa NBI at ito ay sina Paulene Canada at Sylvia Cemañes Nabatid na nakapaglagak din ng piyansa ang tatlo para sa kanilang pansamantalang kalayaan. Kaugnay nito, sinabi naman ng Davao City Police Office na hindi nila alam ang kasalukuyang kinaroroonan ni Quiboloy. Ang utos na pag-aresto kina Quiboloy ay nagmula kay Judge Dante Baguio, ng Davao City Regional Trial Court (RTC) Branch 12 noon pang Marso 12. Bukod kay Quiboloy, sakop din ng warrant of arrest sina Jackielyn Roy at Ingrid Canada. aDisclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.