2 gun-for-hire suspects patay sa shootout sa Quezon

By Jan Escosio April 03, 2024 - 05:57 PM

Ang isa sa mga napatay na murder suspect.                                                                                      (LUCENA CITY POLICE PHOTO)

Hindi na nagpahuli ng buhay ang dalawang pinaniniwalaang “hired killers” sa mga pulis matapos nilang diumanoy patayin ang isang binata sa Lucena City, Martes ng gabi.

Nangyari ang engkuwentro sa Barangay Antipolo sa bayan ng Sariaya kung saan sila inabutan ng mga tumutugis na pulis.

Kinilala ang mga napatay na sina alyas Palos at alyas Bin Laden, samantalang naaresto naman ang kasama nila na si si alyas Soya.

Ang tatlo ang itinuturong pumatay sa 20-anyos na si Michael Joshua Timajo sa bahay nito sa Barangay 8 sa lungsod ng Lucena.

Tumakas ang tatlo sa direksyon ng Barangay Ibabang Iyam at ang sinasabing pagpatay nila kay Timajo ay naiulat na kay Police Cpl. Michael Cururucan at kasunod nito ay naaresto si alyas Soya.

Itinuro naman ni alyas Soya ang dalawang kasama at inabutan ang mga ito sa bayan ng Sariaya, kung saan naganap ang engkuwentro.

Nabatid na si alyas Bin Laden ay suspek din sa kaso ng pamamaril sa Lucena City noong nakaraang buwan.

 

TAGS: Murder, shootout, Murder, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.