Ang mataas na presyo ng mga bilihin at kapos na kita ang pangunahing ikinababahala ng pamilyang Filpino, base sa resulta ng Publicus Asia Inc., survey.
Sa Pahayag survey para sa unang tatlong buwan ng taon, 14 porsiyento ang nagsabi na nababahala sila sa mataas na presyo ng mga bilihin at 12 porsiyento naman ang nagsabi na hindi sila makabili ng mga pangangailangan dahil kapos ang kita.
May 11 porsiyento naman ang nagsabi na nahihirapan na makahanap ng trabaho at 10 porsiyento ang nangangamba na mawawalan ng trabaho.
Pinakamarami sa Visayas at Mindanao ang nagsabi na hindi sila nakakabili ng kanilang mga pangangailangan dahil sa mahal na presyo, bukod sa hirap sila sa paghahanap ng trabaho.
Sa mga pamilya din sa Balance Luzon, Mindanao at Metro Manila ang nababahala sa kapos na kita.
Samantalang ang lubos naman na ikinababahala ng mga taga-Metro Manila at ang mga nasa Balance Luzon ay ang mawalan sila ng trabaho.