Tsunami warning sa Northern Luzon binawi na ng Phivolcs
By Jan Escosio April 03, 2024 - 12:12 PM
Kinansela na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang inilabas na tsunami warning sa apat na lalawigan sa Hilagang Luzon kasunod nang malakas na lindol na yumanig sa Taiwan kaninang alas-8 ng umaga.
Ginawa ang pagkansela alas-10:33 ngayon umaga dahil walang naobserbahan na pagtaas ng antas ng dagat. Unang nagpalabas ang tsunami warning matapos ang magnitude 7.5 earthquake sa Taiwan. Sinakop ng babala ang Batanes Group of Islands, Cagayan, Isabela at Ilocos Norte. May mga pagtaas ng alon ng hanggang isang talampakan ang naiulat sa Japan, maging sa isla na sakop ng Taiwan.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.