DMW, OWWA nakatutok sa OFWs matapos ang M7.5 quake sa Taiwan

By Jan Escosio April 03, 2024 - 11:59 AM

(FILE PHOTO)

Naka-monitor ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa sitwasyon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan kasunod ng pagtama ng magnitude 7.5 earthquake ilang oras pa lamang ang nakakalipas.

Pinakilos na ang protocols  ng DMW sa kanilang tatlong Migrant Workers Offices (MWOs) sa Taiwan at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad ng mga Filipino, kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa Taiwan maging sa grupo ng mga negosyante na may mga manggagawang Filipino para sa kalagayan ng mga Filipino.

Samantala, tiniyak ng OWWA ang kanilang kahandaan na agad magbigay tulong sa mga apektadong Filipino.

Alas-8 kanina nang maganap ang pagyanig, na nagsresulta sa mga pinsala sa mga gusali at iba pang istraktura.

Nagpalabas pa ang Phivolcs ng tsunami warning sa apat na lalawigan sa Hilagang Luzon.

 

 

TAGS: DMW, OWWA, DMW, OWWA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.