OFW pauwi ng Pilipinas, napaanak sa eroplano

By Jan Escosio April 03, 2024 - 10:30 AM

Maayos ang kalagayan ng mag-ina. (OWWA PHOTO)

Isang overseas Filipina worker (OFW) ang napaanak sa eroplano habang pauwi ng Pilipinas, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Base sa impormasyon, nagmula sa Egypt ang naturang OFW at sakay ng Gulf Air nang maganap habang ang biyahe ay nasa ibabaw ng India airspace noong nakaraang Biyernes Santo.

Paglapag ng NAIA Terminal 3 sinalubong mga tauhan ng OWWA ang napaanak na OFW at dinala sa ospital gamit ang ambulansiya.

Sa ngayon, maayos na ang kalagayan ng mag-ina.

 

 

TAGS: nanganak, ofw, nanganak, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.