Tsunami warning sa North Luzon areas dahil Taiwan M7.5 quake

Naiatala ang magnitude 7.5 earthquake sa Taiwan ngayon umaga. (FILE PHOTO)

Naglabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tsunami warning sa apat na lalawigan sa Hilagang Luzon matapos ang magnitude 7.5 earthquake sa Taiwan ngayon umaga.

Itinaas ang tsunami warning sa Group of Islands, Cagayan, llocos Norte, at Isabela.

Pinakikilos na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng mga naturang lalawigan para sa mga hakbang lalo na sa mga komunidad sa dalampasigan.

Base sa abiso, naganap ang lindol alas-7:58 sa hilagang silangan ng Taiwan at may lalim ito ng 19 kilometro.

Sa mga paunang impormasyon, apektado ang suplay ng kuryente sa Taipei, ang kapitolyo ng Taiwan.

Sa abiso pa rin ng Phivolcs, tatama ang unang tsunami waves alas-8:33 hanggang alas-10:33 ngayon umaga at magpapatuloy ng ilang oras.

 

 

Read more...