Issues sa right-of-way mabilis na mareresolba ng railways inter-agency committee – Revilla

Isang bahagi ng North-South Commuter Rail Project.

Tiwala si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na mabilis nang mareresolba ang mga isyu na may kinalaman sa right-of-way kaugnay sa railways projects sa bansa matapos bumuo ang Malakanyang ng Inter-Agency Committee for ROW Activities for National Railway Projects.

Sinabi ito ni Revilla Jr., matapos ipalabas ni  Pangulong Marcos Jr., ang Administrative Order No. 19 series of 2024 para sa pagbuo ng mekanismo para mapabilis ang proseso sa pagbili ng mga lupa na tatamaan ng railway projects.

Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Public Works dahil sa bagong buo na konseho mapapabilis  na ang mga naantalang railway projects.

Pamumunuan ang inter-agency committee ng kalihim ng Department of Transportation gayundin ng kalihim ng  Department of Human Settlements and Urban Development.

“Our President is really both a visionary and a realist. Sinisiguro niya na ang mga pangarap makamit ng ating bansa ay naka-angkla sa konkretong plano at aksyon. PBBM is really bringing our country to greater heights. With this new committee to focus on right-of-way, we see more railway projects coming into reality,” sabi pa ni Revilla.

Read more...