Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, tumaas

Job fairLabing isang milyong Pinoy ang walang trabaho sa unang quarter ng taong 2016.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng dalawang milyon kumpara sa huling quarter ng 2015.

Ayon sa survey ng SWS, ito rin ang pinakamataas na joblessness rate simula noong 2014.

Sa 11 million adults na walang trabaho, 5.9 million ang boluntaryong nagbitiw sa dating trabaho; 3.3 million ang tinanggal sa trabaho kabilang ang mga hindi na napalawig ang kontrata at na-lay off, habang nasa 1.8 million naman ang mga first-time job seekers.

Isinagawa ang survey ng SWS mula March 30 hanggang April 2 gamit ang face-to-face interviews sa aabot sa 1,500 na respondents sa buong bansa.

 

 

 

Read more...