Mga ahensiya ng gobyerno kanya-kanyang diskarte para iwas-sakit sa init – Jinggoy

Ipinasakamay na ni Sen. Jinggoy Estrada sa mga ahensiya ng gobyerno ang diskarte para iwas-sakit dahil sa init ang kanilang mga kawani. (FILE PHOTO)

Sinabi ni Senator Jinggoy Estrada na maaring kanya-kanyang paraan na lamang ang mga ahensiya ng gobyerno para hindi lubos na maapektuhan ang kanilang pagta-trabaho ng matinding init ng panahon.

Katuwiran ni Estrada na hindi naman maaaring suspindihin ang operasyon ng gobyerno lalo na ng mga ahensiya na direktang nagbibigay serbisyo sa mamamayan.

Kaugnay naman sa isyu ng pagsuspindi ng in-person classes, sinabi ng senador na wala naman pumipigil sa mga lokal na pamahalaan na magpakasa ng distance learning o blended learning dahil sa mainit na panahon.

Epektibo pa naman aniya ng Department Order Order No. 44 series of 2022 kaugnay sa pagsuspindi o pagkansela ng mga klase.

Sinabi pa niya na hindi lamang naman ang pagtutok sa pag-aaral at pagtuturo ang dapat intindihin kundi maging ang kapakanan at kalusugan ng mga mag-aaral gayundin ng mga guro.

Read more...