Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong-petrolyo bukas

By Jan Escosio April 01, 2024 - 07:21 PM

Ikatlong sunod na taas-presyo sa gasolina.

Tataas ang presyo ng gasolina bukas, Abril 2, samantalang matatapyasan naman ang presyo ng krudo at kerosene.

Ang madadagdag na P0.45 sa bawat litro ng gasolina ang ikatlong pagtaas na simula noong Marso 19.

Samantala, P0.60 naman ang mababawas sa presyo ng kada litro ng krudo at P1.05 sa bawat litro ng kerosene base sa magkakahiwalay na abiso ng mga kompaniya ng langis.

Samantala, naging epektibo kanina ang bawas-presyo sa liquified petroleum gas (LPG) o cooking gas.

Nabatid na P1 kada kilo ng Gasul ng Petron ang tinapyas, samantalang P0.30 ang bawas naman base sa anunsiyo ng Regasco.

 

 

TAGS: gasoline, LPG, gasoline, LPG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.