Dumami ang bumiyahe sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong nakalipas na Semana Santa.
Ang 1,040,707 pasahero ay bumiyahe mula Linggo ng Palaspas hanggang Pasko ng Pagkabuhay kahapon at ito ay mataas ng 12 porsiyento kumpara sa naitalang 926, 755 ng Semana Santa noong nakaraang taon.
May 511,073 pasahero ang lumapag sa NAIA, samantalang 529,634 naman ang lumipad.
May 521, 154 ang nagtungo sa ibat-ibang bahagi ng bansa, samantalang 519,154 naman ang bumiyahe sa ibang mga bansa.
Pinakamaraming naitalang pasahero kahapon, samantalang pinakakonti naman noong nakaraang Biyernes Santo.
Wala naman insidenteng naitala sa buong linggo ng Semana Santa, maliban sa pagbaba ng suplay ng kuryente sa NAIA Terminal 2 noong Marso 27 na tumagal ng halos tatlong oras.