Sense of the Senate reso sa China bullying sa WPS inihain ni Villanueva
Naghain ng resolusyon si Senate Majority Leader para sa pagpapalabas ng Sense of the Senate sa patuloy na panggigipit sa Pilipinas ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Layon ng resolusyon na kondenahin ng Senado ang mga agresibo at delikadong aksyon ng China sa puwersa ng Pilipinas.
Sa kanyang Senate Resolution 980, nais ni Villanueva na magpahayag ang Senado ng suporta sa Malakanyang sa pagsusulong ng legal at diplomatikong pamamaraan para matigil na ang panggigipit ng China.
Nais din ng senador na maamyendahan ang Sense of the Senate na inilabas noong nakaraang Agosto 1 kaugnay din sa mga katulad na insidente.
Sinusuportahan din ni Villanueva ang pahayag ni Pangulong Marcos Jr., ukol sa pagkasa ng “countermeasure package” laban sa mga hakbang ng Chinese Coast Guard at Chinese militia vessels.
Nagpahayag din ito ng labis na pagkabahala sa sunod-sunod na insidente sa WPS sa kabila ng kasunduan nina Marcos Jr., at Chinese President Xi Jinping sa US noong nakaraang Nobyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.