783 PDLs pinalaya ng BuCor noong Marso

By Jan Escosio April 01, 2024 - 02:13 PM

Tuloy-tuloy ang pagpapalaya sa mga PDLs ng Bureau of Corrections (BuCor) para mapaluwag ang mga kulungan. (JAN ESCOSIO PHOTO)

Karagdagang 783 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) sa buong buwan ng Marso.

Kanina sa New Bilibid Prison (NPB) sa Muntinlupa City, 165 sa kanila ang nakalabas na ng pambansang-piitan mula sa pagkakakulong ng limang taon hanggang 30 taon.

Nasaksihan ang kanilang paglaya nina Justice Usec. Deo Marcos, Public Attorney Office (PAO) Chief Persida Rueda – Acosta at mga kinatawan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Pardons and Parole.

Nabanggit ni BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang na simula noong Nobyembre 2022 hanggang noong nakaraang buwan, 9813 PDLs na ang kanilang napalaya.

Asahan na rin aniya ang mga katulad na hakbang para na rin mapaluwag ang pitong bilangguan at penal farms na nasa ilalim ng pangangasiwa ng kawanihan.

Binanggit na lamang niya na ang nangungunang hamon kayat hindi masolusyon ang siksikang mga kulungan ay dahil doble ang bilang ng mga bagong pumapasok.

TAGS: Bilibid, bucor, Bilibid, bucor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.