DepEd kinumpirma suspensyon ng ilang klase sa Vis-Min dahil sa init

By Jan Escosio April 01, 2024 - 01:11 PM

Delikado sa mga mag-aaral ang matinding alinsangan bunga ng panahon ng tag-tuyot sa bansa. (INQUIRER FILE PHOTO)

 

Bunga ng matinding init, ilang eskuwelahan sa Visayas at Mindanao ang nagsupindi ng in-person classes.

Kinumpirma ito ni Education Asec. Francis Bringas at aniya magsasagawa na lamang  ng alternative delivery mode (ADM) upang hindi lubos na maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante.

Aniya ngayon at bukas ay suspindido ang mga in-person classes sa Iloilo City mula pre-school hanggang senior high school, samantalang ang mga pang-hapon na klase lamang ang sinuspindi sa Tantangan, South Cotabato.

Sinuspindi din ang mga pasok sa mga eskuwelahan, pribado at pampubliko sa  Bacolod City, Roxas, Capiz, Kabankalan, Negros Occidental, at E.B. Magalona sa Negros Occidental.

Nagbabala na ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA) na ilang lugar ang maaring magtala ng “dangerous heat indices” na maaring lubhang makaapekto sa kalusugan.

 

TAGS: Classes suspension, heat index, Classes suspension, heat index

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.