Ito ang reaksyon ni professor Rommel Banlaoi sa pagbili ng Department of National Defense ng pitong refurbished Huey helicopters.
Aniya, bagama’t limitado ang kapabilidad ng mga segunda-manong military choppers magagamit din naman ang mga ito sa combat operations at sa disaster relief operations.
Giit ni Banlaoi, hindi magagamit ang mga naturang helicopters sa territorial defense o kahit sa territorial patrol dahil limitado lang ang kapabilidad ng mga ito.
Aniya, dapat din pag-isipan at ikonsidera ng kagawaran ang pangangalaga sa integridad ng teritoryo ng Pilipinas sa pagbili ng mga gamit-pandigma para sa hukbong sandatahan ng bansa.
Sa nalalapit na panahon ay ibabaling na ng AFP ang kanilang focus mula sa internal security patungo sa territorial defense lalo’t sangkot ang Pilipinas sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Kahapon, nagsagawa ang flight test ang mga piloto ng Philippine Air Force sa mga biniling Huey helicopters para pabulaanan ang mga balita na hindi ‘mission ready’ ang mga ito./ Jan Escosio
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.