“Dangerous heat indices” sa 17 lugar bukas, Biyernes Santo

March 28, 2024 - 06:16 PM

Bukas hindi bababa sa 17 lugar sa bansa ang maaring makaranas ng “dangerous heat indices,” ayon sa PAGASA. (INQUIRER FILE PHOTO)

Ngayon araw, 15 lugar sa bansa ang nakaranas ng “dangerous heat indices” at maari itong madagdagan bukas, Biyernes Santo.

Ngayon araw naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamataas na heat index na 45°C sa Aborlan at Puerto Princesa City, kapwa sa Palawan.

Samantala, 44°C sa Pili, Camarines Sur at Roxas City, Capiz; 43°C naman sa Sangley Point, Cavite; Coron, Palawan; Iloilo City, Iloilo at San Jose, Occidental Mindoro.

Naitala naman ang 42°C sa Pasay City; Iba, Zambales; Subic Bay, Olongapo City; Tanauan, Batangas; Masbate City; Dumangas, Iloilo; at Cotabato City, Maguindanao.

Bukas inaasahan din ang matinding alinsangan sa mga nabanggit na lugar at dadagdag pa ang Clark, Pampanga, Quezon City, Mulanay, Quezon.

Ilan lamang din sa epekto ng mataas na heat index sa tao ay ang sobrang pagpapawis, pagkapagod, pagkahilo, mahina ngunit mabilis na pulso, pagsusuka at panlalabo ng mata kapag tumayo.

Payo ng PAGASA, iwasan na mabilad ng matagal sa matinding sikat ng araw, uminom ng maraming tubig, gumamit ng payong o sobrero at gawin ang mabibigat na gawain sa umaga o gabi kung kailan mababa ang temperatura ng panahon.

 

 

 

 

TAGS: heat index, Pagasa, heat index, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.