1 billion meals nasasayang kada araw sa buong mundo – UN report

By Jan Escosio March 28, 2024 - 01:58 PM

Milyong-milyong Filipino ang nagugutom ngunit sa Pilipinas halos tatlong milyong tonelada ng pagkain ang nasasayang kada taon.(FILE)

Habang may 783 milyong indibiduwal sa buong mundo ang nagugutom, higit isang bilyong pagkain ang nasasayang kada araw noong 2022.

Ito ang kabilang sa nilalaman ng UNEP Food Waste Index Report 2024 na inilabas bago ang International Day of Zero Waste.

Sa pagkasayang ng mga pagkain, apektado hindi lamang ang pandaigdigang ekonomiya kundi nakakapag-ambag pa ito sa climate change at polusyon.

Dito sa Pilipinas base pa rin sa naturang ulat, halos tatlong milyong tonelada ng pagkain ang nasasayang kada taon.

Higit na mababa ito ng 68.35 porsiyento sa naitalang 9.33 tonelada kada taon noong 2021.

Sa buong mundo, 60 porsiyento o 631 milyong tonelada ng nasayang lamang na pagkain ay mula sa mga kabahayan, 28 porsiyento naman sa food service at 12 porsiyento sa retail.

Nabanggit din sa ulat na mataas ang pagkasayan ng mga pagkain sa mga bansa na mainit ang temperatura.

 

TAGS: food waste, UN, food waste, UN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.