Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na walang pangangailangan talaga na bilisan ang pagdinig sa “economic Charter change (Cha-cha).
Base ito sa inilabas na resulta ng Pulse Asia survey na 88 porsiyento ng mga Filipino ang tutol sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.
“Our bosses have spoken. Klarong-klaero po na peke ang isinulong nilang P.I. (People’s Initiative) at hindi po Charter change ang kailangan ngayon ng taumbayan mula sa gobyerno,” dagdag pa ni Villanueva.
Aniya pinatunayan sa survey na walang matinding pangangailangan sa ngayon para amyendahan ang Saligang Batas.
Nilinaw naman ni Villanueva na hindi pa siya nakakapagdesisyon kung susuportahan o hindi ang “economic Cha-cha.”
“I can’t say I have made up my mind right now. Am still more than willing to learn and further study this economic provisions in amending the Constitution as we continue conducting public hearings,” dagdag pa ng senador.