Malinaw na peke ang isinulong na P.I. – Villanueva

By Jan Escosio March 28, 2024 - 12:29 PM

Malinaw na peke ang People’s Initiative sabi ni Sen. Joel Villanueva.

Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na walang pangangailangan talaga  na bilisan ang pagdinig sa “economic Charter change (Cha-cha).

Base ito sa inilabas na resulta ng Pulse Asia survey na 88 porsiyento ng mga Filipino ang tutol sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

“Our bosses have spoken. Klarong-klaero po na peke ang isinulong nilang P.I. (People’s Initiative) at hindi po Charter change ang kailangan ngayon ng taumbayan mula sa gobyerno,” dagdag pa ni Villanueva.

Aniya pinatunayan sa survey na walang matinding pangangailangan sa ngayon para amyendahan ang Saligang Batas.

Nilinaw naman ni Villanueva na hindi pa siya nakakapagdesisyon kung susuportahan o hindi ang “economic Cha-cha.”

“I can’t say I have made up my mind right now. Am still more than willing to learn and further study this economic provisions in amending the Constitution as we continue conducting public hearings,” dagdag pa ng senador.

TAGS: Cha-Cha, survey, Cha-Cha, survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.