Angara ipinaalala na epektibo ang student fare discount kahit holiday

(FILE PHOTO)

Pinaalahanan ni Senator Sonny Angara ang mga estudyante na kahit holidays ay magagamit nila ang kanilang 20 porsiyentong diskuwento sa pasahe sa kahit anong uri ng pampublikong sasakyan.

Sa lahat ng estudyante, siguraduhin ninyo na may dala kayo na student ID bago kayo magbayad ng ticket sa eroplano, barko, bus o tren. Tuloy-tuloy ang 20 percent na discount sa inyo kahit holidays,” sabi ni Angara.

Isa ang senador sa mga pangunahing awtor ng RA 11314 o ang  Student Fare Discount Act.

Dagdag pa niya, kung walang maipakitang Student ID, puwedeng gamitin ang enrollment form para patunay na siya ay nag-aaral.

Siguraduhin niyo lang na may dala kayo na kahit anong government ID kapag enrollment form lang ang dala niyo para lang masiguro ang identity niyo sa pagbigay ng discount,” dagdag pa ni Angara.

Read more...