Resolusyon para sa 5-day calamity leave inihain sa Kamara

By Jan Escosio March 27, 2024 - 05:27 PM

(FILE PHOTO)

May panukala sa Kamara na mabigyan ng five-day calamity leave ang mga kawani sa pampubliko at pribadong sektor.

Layon ng House Bill 10182 ni Agusan del Norte 2nd district Rep. Dale Corvera na mabawasan ang apekto sa kabuhayan ng mga kawani.

“Filipinos, especially those whose main source of income are wages, are very prone to succumb to the devastating and debilitating effects of natural calamities or disasters,” paliwanag ni Corvera sa kanyang panukala.

Aniya makakatulong ito sa mga inbiduwal at pamilya na napinsala ang bahay ng baha, bagyo, lindol at iba pang uri ng kalamidad.

Kuwalipikado sa benepisyo ang mga kawani na may anim na buwan o higit pa sa ahensiya o kompaniya.

Ayon pa kay Corvera na maaring gamitin ang calamity leave ng limang sunod na araw o hiwa-hiwalay at hindi ito ibabawas sa leave credits ng kawani.

Magagamit ito ng mga kawani na ang lugar ay kabilang sa naisalalim sa state of calamity base sa deklrasyon ng pangulo ng bnsa o ng lokal na pamahalaan.

 

TAGS: calamity, leave, calamity, leave

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.