Presyo ng gasolina at kerosene, may rollback ngayong araw

 

Magpapatupad ng bawas sa presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, July 5.

Epektibo ngayong araw ay magkakaltas ng 60 centavos sa presyo ng kada litro ng gasolina ang Petron, Flying V, Total, PTT, SeaOil, Phoenix at Pilipinas Shell.

May bawas rin na 20 centavos sa kerosene ng Shell, SeaOil, Petron, at Flying V.

Wala namang magaganap na rollback sa presyo ng diesel ngayong araw. Ang pagbaba ng presyo ng gasolina at kerosene ngayon ay sumasalamin rin sa kalagayan ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Read more...