Liquor ban ikakasa malapit sa mga simbahan sa Maynila bukas, Biyernes Santo

By Jan Escosio March 27, 2024 - 12:53 PM

Ang Quiapo Church, ang tahanan ng Itim na Nazareno. (FILE PHOTO)

Magpapatupad ng dalawang araw na liquor ban ang pamahalaang-lungsod ng Maynila sa mga lugar na malalapit sa mga simbahan sa lungsod.

Pinirmahan ni Mayor Honey Lacuna ang Executive Order (EO) No. 9 para sa mapayapa at maayos na paggunita sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Nakasaad sa kautusan ang pagbabawal sa pagbebenta ng mga nakakalasing na inumin sa distansiyang 500 metro mula sa mga simbahang Katoliko.

Mahigpit ang bilin ni Lacuna sa Manila Police District (MPD) na istriktong ipatupad ang “liquor ban.”

Ang kautusan ay alinsunod sa nakasaad sa  Republic Act (RA) 7160 o ang Local Government Code of 1991.

Ilan lamang sa mga dinadayong simbahan sa Maynila tuwing Semana Santa ay ang Quiapo Church, San Agustin  Church at Manila Cathedral sa Intramuros, San Lorenzo Church sa Binondo, San Sebastian Church at ang  Sto. Niño de Tondo Church.

TAGS: Holy Week, liquor ban, Holy Week, liquor ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.