Mga pulis itatanim sa drug-affected barangays

By Jan Escosio March 27, 2024 - 10:57 AM

Magtatalaga ng mga karagdagang pulis sa drug-affected barangays para mas mainintindihan ang mga problema, sabi ni Sec. Benhur Abalos. (BA FB PHOTO)

Binabalak ni Interior Secretary Benhur Abalos na magtalaga ng karagdagang mga pulis sa mga drug-affected barangays.

Kasunod ito ng matagumpay na istratehiya ng Muntinlupa City Police, nagtalaga ng mga pulis sa Barangay Putatan bilang kanilang “community policing strategy,”

Paliwanag ni Abalos ang plano ay para mas maintindihan ng mga pulis ang sitwasyon at makatulong sa pagbibigay solusyon sa mga problema ng residente.

Ito aniya ay bahagi na ng pagpapatupad ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program.

Binanggit din ng kalihim ang  Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) program ong pambansang pulisya na istratehiya sa BIDA program na ang layon ay masolusyonan ang problema sa droga sa mga barangay.

“In the whole-of-nation, whole-of-government, whole-of community approach of BIDA, pinuputol natin pareho ang bunga at ang ugat mismo sa problema ng iligal na droga,” sabi ni Abalos.

Ibinahagi din nito na ang pagbibigay ng trabaho sa mga dating nakulong sa pamamagitan naman ng cash-for-work program ng  Department of Labor and Employment (DOLE).

“The problem with illegal drugs cannot be won by technology, it cannot be won by money but it can be won by hearts,” diin niya.

TAGS: barangay, drugs, barangay, drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.