200 adik sa droga, sumuko sa San Juan

By Jan Escosio July 05, 2016 - 04:43 AM

 

san juan addicts
Courtesy: Sen. JV Ejercito FB

Bunsod ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sumuko ang may 200 drug pushers at drug user sa liderato ng lokal na pamahalaan ng San Juan City.

Ayon kay San Juan City Mayor Guia Gomez, ito ay bahagi ng ipinalabas niyang executive order na nag-aatas sa lahat ng punong barangay sa lungsod na gawing prayoridad ang kampanya kontra droga.

Kasabay nito, itinalaga ni Gomez si San Juan City Vice Mayor Janella Estrada bilang chairman ng kanilang city anti drug abuse council.

Ayon sa dalawang opisyal, ipapasok sa rehabilitation centers ang mga drug dependents para sa kanilang pagbabagong buhay.

Kasunod nito ay ang pagsasagawa ng assessment kung maari din maisama ang mga ito sa proyekto nilang cash for work program.

Samantala, sinabi naman ni San Juan City Police Chief Sr. Supt Victor Arevalo na 168 na sa mga sumuko ang naisalang na nila sa ‘booking process’ at umaasa siya na makikipagtulungan ang mga ito para ituro ang mga source ng droga sa kanilang lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.