Poe kontra sa deklarasyon ng State of Traffic Calamity sa Metro Manila

Rush hour traffic sa EDSA. (FILE PHOTO)

Sinabi ni Senator Grace Poe na hindi na kailangan pa ang deklarasyon na State of Traffic Calamity sa Metro Manila dahil araw-araw naman itong nararanasan.

Ayon pa kay Poe  ang dapat ay pakinggan ang mga pahayag ng mga eksperto para malutas ang “traffic crisis” sa Kalakhang Maynila.

Pahayag ito ng namumuno sa Senate Committee on Public Services sa panawagan ng Business Group Managament Asso. of the Phils. na magdeklara ng State of Traffic Calamity dahil sa lubhang napakalaki ng nasasayang sa ekonomiya dahil sa matinding problema sa trapik.

Binanggit ng senadora na kada araw ay umaabot sa P3.5 bilyon ang “economic losses” dahil sa matinding traffic kada araw.

Tiwala si Poe na hindi karagdagang kalsada ang kailangan kundi ang pagkakaroon ng maasahan at maayos na mass transport system.

Ikunsidera na rin aniya ang paggamit ng electric vehicles sa pampublikong transportasyon tulad ng ginagawa na sa ibang bansa.

 

Read more...