Truck sumalpok sa van sa NorCot, 15 tepok

Nasunog pa ang passenger van nang banggain ng dump truck na naglalaman ng graba sa Antipas, Northe Cotabato. (ANTIPAS LGU PHOTO)

Labing limang katao ang nasawi sa pagsalpok ng isang dump truck sa isang passenger van sa Antipas, North Cotabato kaninang hapon.

Sa paunang ulat, nawalan ng kontrol sa dumptruck ang driver, na nakilalang si  Edwin Nasiad, 49, kayat bumangga ito sa van, na patungo sa Kidapawan City.

Nabatid na may kargang graba, samantalang nagliyab pa ang van matapos salpukin.

Nakilala na ang ilan sa mga biktima, samantalang ligtas ang dalawang pahinante ni Nasiad na sina Wilmark Panoy at Gregorio Casino.

Isang babaeng pasahero ng van ang napa-ulat na nakaligtas din.

 

 

 

Read more...