Water concessionaires kinalampag ni Poe sa suplay ng tubig

By Jan Escosio March 25, 2024 - 06:56 PM

Malaking perwisyo sa konsyumer at negosyo ang kapos na suplay ng tubig. (FILE PHOTO)

Paulit-ulit na lang na nararanasan ang kakapusan ng tubig dahil sa El Nino.

Ito ang paalala muli ni Sen. Grace Poe sa mga water concessionaires kayat dapat aniya ay may water infrastructures na ang mga ito.

Kasunod na rin ito ng pahayag ng Manila Waterworks & Sewerage System (MWSS) na pagpapahina ng water pressure dahil sa bumababang antas ng tubig ng Angat Dam.

Sinabi ni Poe na dapat ay handa ang mga ahensiya dahil climate pattern na ang El Nino.

Dapat aniya ay minamadali ng water concessionaires ang pagpapatayo ng mga kinakailangang imprastraktura at pasilidad upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa mga konsyumer.

Ayon pa kay Poe bukod sa mga kabahayan, apektado din ng limitadong suplay ng tubig ang negosyo.

TAGS: El Niño, tubig, El Niño, tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.