4 patay sa suicide bombing sa Saudi Arabia
Patay ang hindi bababa sa apat na katao sa pag-atake ng isang suicide bomber sa banal na lungsod ng Medina sa Saudi Arabia, habang isa ang naitalang nasugatan.
Isinagawa ito ng suicide bomber malapit sa security headquarters ng Prophet’s Mosque sa Medina na ikalawa sa mga pinaka-banal na lugar para sa relihiyong Islam.
Ito na ang ikatlong naitalang pagpapasabog sa nasabing bansa sa loob lamang ng 24 oras.
Isang suicide bomber rin ang umatake malapit sa US Consulate sa Jeddah, pero tanging siya lamang ang nasawi.
May naganap rin na pagsabog sa lungsod ng Qatif sa silangan ng Saudi Arabia na target ang Shia mosque, at wala pa namang naitatalang nasawi sa insidenteng ito.
Mga matataong lugar ang mga pinupuntiryang lugar lalo na sa Medina dahil malapit na ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.