PBBM tiniyak ang pag-uwi ni ex-Rep. Teves sa Pilipinas
Binigyang katiyakan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na iuuwi ng Pilipinas ang naarestong si i dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.
“Rest assured that the government will take all necessary actions to bring him back to the country so he can face the charges filed against him,” ang X post ni Marcos.
Pinuri din niya ang pag-uugnayan ng mga awtoridad sa bansa at International Police (Interpol) sa pag-aresto kay Teves sa Timor-Leste.
“I assure the Filipino people that we will spare no effort in ensuring that justice will prevail in this case,” dagdag pa ni Marcos.
Naaresto si Teves sa Top Golf Driving Range and Bar sa Dili, Timor-Leste kahapon ng hapon, base sa naging anunsiyo ng Department of Justice (DOJ).
Nahaharap sa mga kaso si Teves kaugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at sa siyam iba pa noong umaga ng Marso 23 noong nakaraang taon.
Nabatid na may mga awtoridad na umalis ng bansa kaninang umaga para sunduin si Teves at ibalik sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.