US-based Filipino fashion designer bumuwelta ng asunto sa vlogger

By Jan Escosio March 22, 2024 - 06:35 PM

US-based Filipino fashion designer Puey Quiñones Jr. (INQUIRER PHOTO)

Inasunto ni Filipino International fashion designer Rodolfo “Puey” Quiñones Jr. ang vlogger / blogger Maharlika ng  Boldyak TV, a YouTube channel, dahil sa mga walang basehan na paninira.

Ang mga asunto ay base sa mga pahayag ni Maharlika, na Claire Contreras sa tunay na buhay, na peke ang mga likha ni Quiñones Jr., na inakusahan pa ng panggagantso kay First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sinabi pa ni Quiñones Jr., na lubha siyang apektado ng mga maling alegasyon, maging ang kanyang negosyo at reputasyon.

Ang kanyang mga reklamo ay inihain sa  Superior Court of the State of California sa Los Angeles.

Nabatid na hiniling na ng mga abogado ng sikat na fashion designer kay Contreras na alisin ang video at bawiin ang kanyang mga maling pahayag.

Nabatid na tumanggi si Contreras na sumunod sa mga  nilalaman ng cease-and-desist letter mula kay Quiñones Jr.

Pinatitigil na rin siya sa paninira kay Quiñones Jr., at sa mga negosyo nitong CocoMelody at  Quiñones Couture.

Bukod pa dito, humihingi din ang kampo ni Quiñones Jr., ng danyos na $2 million, bukod pa sa ibang danyos na madedetermina sa paglilitis ng korte sa kaso.

Wala pang inilalabas na pahayag mula sa bahagi ni Contreras.

TAGS: fashion designer, Youtube, fashion designer, Youtube

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.