Suspek sa missing beauty queen case pinalaya na ng Senado
Isang araw lamang matapos ipahiwatig na magpapalipas ng Semana Santa sa Senate Detention Center, pumayag na si Senator Ronald “Bato” dela Rosa si dismissed Police Major Allan de Castro.
Katuwiran ni dela Rosa naawa siya sa mga tauhan ng Senate Sergeant-at-Arms na maiiwan sa Senate Building para bantayan si de Castro.
Sinabi din ng senador na ipinaalam naman niya kay Sen. Robin Padilla na pakakawalan na si de Castro mula sa kustodiya ng Senado.
Magugunita na, ipina-cite in contempt ni Padilla si de Castro dahil sa pagsisinungaling ukol sa relasyon nila ng nawawalang Batangas beauty queen Catherine Camilon.
Kasunod nito, ipinag-utos ni dela Rosa ang pagkulong sa Senado kay de Castro.
Kahapon lamang, nagpahiwatig si dela Rosa na posibleng magpalipas ng Semana Santa sa kulungan ng Senado si de Castro.
Dagdag na lamang din ng senador, ipapatawag na lamang muli ng pinamumunuan niyang Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa susunod na pagdinig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.