Kanselasyon ng prangkisa ng SMNI inaprubahan sa Kamara

By Jan Escosio March 20, 2024 - 09:18 PM

Nilabag ng SMNI ang kanilang prangkisa ang paniniwala ng 284 kongresista.(FILE PHOTO)

Dalawandaan at walumput apat na kongresista ang sumang-ayon sa panukalang kanselahin ang prangkisa ng Swara Sug Media Corporation,  ng Sonshine Media Network International (SMNI).

May apat na nagpasok ng negatibong boto at apat din ang nag-abstain nang pagbotohan ang House Bill 9710.

May 25 taon ang bisa ng prangkisa ng Swara Sug alinsunod sa RA 11422

Sinabi ni 1-Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez, ang awtor ng panukala, malinaw na may mga naging paglabag sa kanilang pranglisa ang  SMNI.

Nabigo aniya ang broadcasting company na maghatid ng makatotohanan at balanseng pag-uulat.

Binanggit din ni Gutierrez na nalabag ng SMNI ang Sections VII ,X at XI ng kanilang prangkisa.

Si Pastor Apollo Quiboloy ang kinilalang “chairman” ng SMNI.

 

TAGS: franchise, SMNI, franchise, SMNI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.