8% economic growth posible sa termino ni Pangulong Marcos Jr.

By Jan Escosio March 20, 2024 - 05:35 PM

Tiwala si Pangulong Marcos Jr., na sa mga ginagawang hakbang ay maabot ang 8 percent economic growth target hanggang 2028. (FILE PHOTO)

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maaabot ang walong porsiyentong pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas sa kanyang termino.

“Sure. Why not? You know, we plan. We always plan for the ideal. We don’t plan for a mediocre result. We plan for a very good result,” sabi ni Marcos sa isang panayam sa Malakanyang.

Sinabi pa nito na tiwala din siya na maabot ang  6.5 – 7.5-percent growth target para ngayon taon.

Ibinahagi niya na nagpapatupad ang administasyon ng mga polisiya para mapalakas at mapaunlad ang ekonomiya.

May mga programa at proyekto din aniya na isinasagawa para makabangon ng husto ang ekonomiya matapos padapain ng Covid-19 pandemic.

“Much of the policies that we’ve taken on are really to spur growth. That’s part of the most, that’s the most important part, because it is only growth that will pull us out of this,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.

TAGS: economic growth, PBBM, economic growth, PBBM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.