P91-B inilabas ng DBM para sa allowances, benefits ng HCWs

By Jan Escosio March 20, 2024 - 05:17 PM

(FILE PHOTO)

Nakapagpalabas na ng P91 bilyon para sa Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA) ng lahat ng health care workers (HCWs) simula pa noong 2021, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sa inilabas na pahayag, P21.1 bilyon ang nailabas sa Department of Health (DOH) noong 2021, P28 bilyon noong 2022, P31.1 bilyon naman noong nakaraang taon at ngayon taon ay P19.96 bilyon na.

Ang kabuuang nailabas na P91.28 bilyon ay nahati sa P73.26 bilyon para sa Health Emergency Allowance (HEA)/One Coronavirus disease 2019 or Covid-19 Allowance (OCA), P12.90 bilyon para sa Special Risk Allowance (SRA), P3.65 bilyon naman para sa Covid-19 Sickness and Death Compensation, at P1.4 bilyon para sa ibang benepisyo kasama na ang meal, accommodation, at transportation allowance.

Sa ulat naman ng DOH, sa naturang halaga, nailabas na ang P76 bilyon.

Ayon pa sa DBM kinakailangan na magsumite ng bagong komputasyon ang DOH para madetermina kung kailangan pang dagdagan ang pondo.

 

TAGS: allowances, COVID-19, allowances, COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.