PBBM biyaheng-US, makikipagkita kay Biden, Japanese PM Kishida
Babalik ng US sa susunod na buwan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para makipagpulong kay President US President Jose Biden.
Naunang nanunsiyo ng White House ang unang trilateral meeting nina Marcos, Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Abril 11.
“While in Washington, D.C., President Marcos will also be hosted by President Biden in the White House for a meeting that will acknowledge the remarkable progress in Philippines-United States ties and the enduring commitment on both sides to further strengthen the alliance,” ang pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Inaasahan na ang pagpupulong ng dalawang lider ay para palakasin pa ang alyansa ng Pilipinas at Amerika.
Samantalang sa trilateral meeting naman ang m,ga agenda ay may kinalaman sa defense, security at economic interests.
Ang muling pagbisita ni Marcos sa US ay kasunod nang pagbisita sa bansa nina US Secretary of State Anthony Blinken at Commerce Secretary Gina Raimondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.