Army colonel na inakusahan ng pambababae nabitin ang one-star
Ipinagpaliban muli ng Commission on Appointments (CA) Committee on National Defense ang kumpirmasyon ni Army Colonel Ranulfo Sevilla dahil sa kabiguan na makasunod sa kondisyon ukol sa sustento sa kanyang pamilya.
Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, ang chairman ng CA, minabuti na huwag munang aksiyonan ang promosyon ni Sevilla dahil sa kalituhan sa halaga ng dapat na sustento sa kanyang pamilya.
Nabatid na P50,000 kada buwan mula sa kanyang suweldo ang dapat na ibigay ni Sevilla sa kanyang misis at dalawa nilang anak.
Nangatuwiran naman si Sevilla na maaring wala nang matira sa kanyang suweldo sa halaga ng sustento sa kanyang pamilya.
Muling nagtungo sa Senado ang kanyang misis na si Tessa at nanindigan ito na haharangin ang promosyon ng mister dahil sa pambababae at pag-abandona sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.