Pastor Quiboloy ipinaaaresto na ng Senado

By Jan Escosio March 19, 2024 - 04:16 PM

Inilabas na ng Senado ang arrest order para kay Pastor Apollo Quiboloy. (FILE PHOTO)

Inaprubahan na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang hiling ni Senator Risa Hontiveros na magpalabas ng arrest order para kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Zubiri bahagi ng kanyang tungkulin ang pirmahan ang arrest order dahil hindi nakumbinsi ni Quiboloy sa mga ikinatuwiran nito sa hindi pagsipot sa mga pagdinig ng Committee on Women and Children na nag-iimbestiga sa mga reklamo ng pang-aabuso laban sa kanya.

Sinabi pa ni Zubiri sa Senado ay kinikilala nila ang kapangyarihan ng bawat komite lalo ng namumuno.

Nabanggit din nito na hindi din nagtagumpay ang “backchanelling talks” para makumbinsi na si Quiboloy na humarap na sa komite ni Hontiveros.

Pagtitiyak din ng senador na kung sakaling maaresto at mapunta sa kanila ang kustodiya ni Quiboloy, pangangalagaan nila ito ng husto bunga na rin ng mga sinasabing banta sa kanyang kaligtasan.

TAGS: Apollo Quiboloy, arrest, Apollo Quiboloy, arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.