Back-up car ni BuCor Chief Catapang niratrat sa Skyway

By Jan Escosio March 19, 2024 - 04:01 PM

Death threats kay Catapang. (FILE PHOTO)

Pinagbabaril ang back-up vehicle ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang sa bahagi ng Skyway Stage 3 kaninang umaga.

Base sa impormasyon, ipinahiram ni Catapang kay BuCor Deputy Dir. General for Administration Al Perreras ang Toyota Hilux pick-up (WDQ 811).

Nabatid na susunduin si Perreras  ala-6:30 ng kanyang mga tauhan nang dikitan sila ng isang gray Toyota Vios at bigla na lang inunahan ang back-up car na Toyota Innova bago pinagbabaril ang pick-up.

Tinarget ang passanger side na inuupuan madalas ni Perreras at suwerte din ang BuCor personnel na naka-up sa likod at hindi din siya tinamaan ng bala.

Tumakas ang sasakyan ng mga salarin patungo sa Nagtahan Exit ng Skyway.

Sinabi ni Catapang na may mga death threats sila ni Perreras simula nang magpatupad sila ng reporma sa kawanihan.

Diin nito, sa kabila ng insidente magpapatuloy ang kanilang mga programa at proyekto sa BuCor.

 

TAGS: ambush, bucor, ambush, bucor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.