Magkaiba muli ang paggalaw sa presyo ng gasolina at diesel ngayon araw.
Madadagdagan ng P0.10 ang presyo ng kada litro ng gasolina at katulad na halaga naman ang matatapyas sa diesel.
Hindi naman magbabago ang presyo ng kerosene.
Noong nakaraang linggo, may pagtataya na tataas ang presyo ng krudo at matatapyasan naman ang halaga ng gasolina.
Una na rin sinabi ni Oil Industry Management Bureau Asst. Dir. Rodela Romero na ang pagbaba ay dahil sa tinatayang dagdag produksyon ng langis ng US ngayon taon hanggang 2025.
Sa ganitong paraan ay mababawi ang bawas produksyon naman ng langis ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.