China, naghahanap ng simpatya

July 15, 2015 - 09:03 PM

South-China-Sea-e1396033265567Tinatangka lamang kumuha ng simpatiya mula sa ibang bansa ng China kung kayat’ pinalilitaw nito na siya ang naaapi sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay International Security analyst Professor Rommel Banlaoi, bahagi lamang ito ng ‘strategic communication’ upang makumbinsi ang ibang bansa na sila ang agrabyado sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Naiintindihan niya aniya ang China sa kanilang pananaw dahil matagal nang paniniwala nito na sila ang may karapatan sa mga pinag-aagawang teritoryo sa WPS batay sa kanilang historic claim bagama’t hindi niya ito sinasang-ayunan.

Paniniwala aniya ng China, ang Pilipinas ang iligal na nag-oocupy ng mga bahura sa Spratly’s simula noong 1970’ at sila ang nanahimik ng mahabang panahon.

Ang nakakatakot aniya sa sitwasyon ay ang posibilidad na ipakalat ng China sa kanilang populasyon ang naturang anggulo na posibleng pagmulan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga taga-China at Pilipinas.

Malinaw naman aniyang walang kakayahan angPilipinas na mang-api ng kahit alinmang bansa, lalo na ang isang bansa na tulad ng China. / Jay Dones

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Ad
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.