Marijuana oil inihahalo sa vape juices, publiko binalaan

By Jan Escosio March 18, 2024 - 06:09 AM

Cannabis oil inihahalo na sa vape juices, ayon sa PDEA. (FILE PHOTO)

Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dumadami ang vaping products na hinahaluan ng marijuana oil.

Kasunod ito nang pagkakakumpiska ng cannabis oil, marijuana kush at vaping products sa Taguig City noong nakaraang Marso 14.

Noon din nakaraang linggo, naharang  sa Port of Manila ng PDEA at Bureau of Customs ang 18 kahon na naglalaman  cannabis oil at marijuana kush  at itinago naman sa  e-cigarettes at ang mga ito ay nagkakahalaga ng P337 milyon.

“PDEA warns the public not to patronize marijuana-laced e-cigarettes because of the health hazards involved, and most importantly the law explicitly prohibits it,” ang pahayag ng PDEA.

Ayon sa ahensiya ang mga ganitong modus ay maaring humantong sa adiksyon sa marijuana.

Ang pagdami ng mga nakukumpiskang smuggled marijuana oil ay nangangahulugan na tumataas ang pangangailangan.

“Considering that the vaping culture is predominantly popular among the youth, PDEA is wary that these cannabis extracts can passed off as a legitimate vape aerosol in the market and sold to the younger patrons,” dagdag pa ng PDEA.

 

TAGS: Marijuana, vape, Marijuana, vape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.