63 Filipinos iuuwi mula sa Haiti dahila sa lumalalang gulo

By Jan Escosio March 18, 2024 - 05:45 AM

Isasagawa ang voluntary repatriation kapag itinaas ang Alert Level 3. (FILE PHOTO)

Ibabalik sa Pilipinas ang 63 Filipinos mula sa Haiti, ayon sa  Department of Migrant Workers (DMW) .

Sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac hindi na bumubuti ang sitwasyon sa Haiti.

Aniya isasagawa ang voluntary repatriation pagkatapos itaas ng  Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 3 sa naturang bansa.

Ayon pa kay Cacdac ikinukunsidera nila na umupa ng eroplano para sa mga iuuwing Filipino. Nabatid na may 115 Filipino sa Haiti.

Lumala ang sitwasyon sa Haiti dahil sa ibat0ibang grupo at kinailangan na isara ang main international airport,

Wala pa naman sa mga Filipino ang apektado ng lumalalang kaguluhan.

 

TAGS: DMW, haiti, DMW, haiti

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.